top of page

ano daw?

H

A

L

A

M

A

N

G

G

A

M

O

T

May L. Dela Rosa

        Karaniwan ngayon ng mga capsule na binibili sa botika ay unti unting nagmamahal ang presyo. Kaya naman dumarami na rin ang mga taong gumagamit ng Halamang Gamot. Sapagkat bukod sa makakatipid ka na ng pera, ito rin ay nakakatulong para sa kalusugan ng isang tao. May iba’t ibang epekto ito sa katawan ng tao na kung saan ay ito ay makakatulong.

​

             Ayon kay Legarda, ang World Health Organization (WHO) ay nangunguna sa pag-eendorso ng mga halamang-gamot bunga ng mataas na presyo ng medisina na hindi kayang bilhin, lalo na ng mahihirap. Idinugtong ni Legarda na magan-dang alternative medicine ang mga halamang-gamot na napatunayang mabisa simula’t sapul nang gamitin ang mga ito ng ating mga ninuno.

​

                Halimbawa na lamang ng halamang gamot ay ang dahon ng kamyas na kung saan ito ay nakakatulong sa ubo, sipon at diarrhea. Ito rin ay may calcium kaya gamit din itong pampalakas ng baga at mahusay sa sirkulasyon ng dugo. Sa pamamagitan lamang ng paglalaga ng kamyas ay maaring makatulong sa iba’t ibang paraan.

​

              Isa pang mabisang gamot ay ang lagundi. Ang lagundi ay mabisang gamot sa ubo. Ang mga may diperensiya sa baga ay nagsabi na malaking tulong sa kanila ang halamang-gamot na ito.

​

           Sa pamamagitan lamang ng paginom ng mga halamang gamot ay maaring patibayin o pagalingin ang iba’t ibang parte ng katawan o sakit. 

KAHALAGAHAN

​

herbal

​

life

101

  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Facebook Icon

© 2023 by The New Frontier. Proudly created with Wix.com

bottom of page