top of page

Gamot sa aking bakuran
ni: Rhiegel Mariae Dela Cueva
Karamdaman mo'y kayang pagalingin ng mga simpleng gamot sa aking hardin. Ilaga at saka inumin para ang karamdaman na iyong dinadaing ay tuluyang gumaling.
Pwedeng itapal sa parteng iyong dinadaing, nang sa ganon humupa ang sakit at iyong hinanaing.
Itanim sa bakuran, Saka anihin kung kailangan. Berdeng gamot, Mabusang gamot.
Tableta na o kahit sariwa pa Ay makakatulong para gumaling ka. Sa abot ng iyong makakaya, ika'y makakalaya sa sakit na iyong nadarama. Halamang gamot, Sariwang gamot.
Kahit naka tableta, ito pari'y masustansya Sa affordable na presyo mo makukuha. Malaking tulong sa ating buhay, Halamang gamot na nasa aking bakuran.
bottom of page