
Pambahabang Buhay na Kulay
Ni May L. Dela Rosa
Lumalamig, Umiinit, Umuulan, Umaaraw, paulit ulit na siklo na nakakaapekto hindi lamang sa kapaligiran pati na rin sa kalusugan.
​
Laganap ang karamdaman dahil sa pabago bagong klima. Nandyan ang sakit sa ubo, lagnat, trangkaso at marami pang iba.
​
Karaniwan ay nagkaroon ng kagipitan dahil sa pagtaas ng presyo ng mga gamot sa botika na nagiging dahilan para hindi agarang maabisuhan ang paggalin g ng sakit.
​
Ngunit kung oobserbahan natin ang kapaligiran, mapapansin natin na maraming paraan upang malunasan ang mga sakit na patuloy bumabagabag sa atin.
​
Ang herbals ay isa rin sa mga solusyon para mapagaling ang karamdaman maliban sa gamot sa botika. Maliban sa epekto o mabisa ito sa mga karamdaman makakamura kapa.
​
Isa na nga ang lagundi na herbals na makakatulong sa paggaling ng ubo. Subok at epektibo ang mga lagundi kaya naman makikita natin ito na nakapangalan sa iba’t ibang brand ng gamot. Pati na rin ang luya tuwing sumasakit ang lalamunan o kaya naman sa tuwing nagnanais ka ng gintong boses.
​
Marami pang mga herbals ang epektibo para sa pagpapagaling ng sakit. Marami na ring patunay kung paano nakakapagpagaling ang herbals.
​
Kaya naman pahalagahan natin ang mga kapaligiran sapagkat marami itong naitutulong mula sa mineral hanggang sa pagiging natural na nagpapagaling sa ating karamdaman.